Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lyka Estrella TnT

Resbaker ng Gensan na si Lyka kampeon sa TNT

ITINANGHAL na bagong kampeon ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime si Lyka Estrella  matapos makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na Huling Tapatan.

Tinalo ng resbaker mula Gensan ang kapwa finalists na sina Nowi Alpuerto (95.1%) at Jezza Quiogue (89.6%) matapos makakuha ng total combined score na 98.9% .

Ani Lyka, “Kumapit na lang po ako sa Diyos na mabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban pa kahit sobrang pagod na. Sobrang unexpected kasi lahat sila magagaling. Hindi ko po talaga inakala na from the start. Nagdasal na lang ako talaga kung will Niya ibigay.”

Nag-uwi si Lyka ng P1-M, bagong house and lot mula sa Camella, isang recording contract sa ilalim ng Star Music, management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at isang Toym Imao trophy.

Naging mahigpit man ang labanan, nasungkit ng ginintuang tinig ni Lyka ang puso ng mga huradong na sina Gary Valenciano, Darren, Jona, Klarisse, Erik Santos, Nyoy Volante, Jolina Magdangal, Jed Madela, Marco Sison, at Louie Ocampo matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang medley ng mga kanta ni Jessie J.

Labis na kinapitan naman ng manonood ang nasabing tapatan kaya naman napunta ang hashtag nito na #TNT6AngHulingTapatan sa listahan ng Twitter trending topics worldwide.

Kahapon, Lunes, inabangan ang bagong bihis ng TNT na tinawag ng Tawag ng Tanghalan Duets na pares-pares ang laban at dalawang pangmalakasang boses ng mga Filipino ang bumida.

Napapanood ang It’s Showtime, 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, gayundin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …