Sunday , December 22 2024
Mutya ng Pasig

Mutya ng Pasig, Triplets, Angat Dalita, at Sandata at Pangako  
RESTORED FILMS NG ABS-CBN IPALALABAS NANG LIBRE SA UP FILM INSTITUTE 

NAGBALIK ang ABS-CBN Film Restoration sa pagpapalabas ng mga restored classics sa UP Film Institute noong Abril 22 para sa theatrical premiere ng 1950 LVN classic na  Mutya ng Pasig

Hango sa musika ni Nicanor Abelardo ang Mutya ng Pasig na isa lamang sa mga pelikulang nakaligtas sa pagkasira noong 1950’s. Ito ay mano-manong ini-restore sa 4k resolusyon sa loob ng higit 120 oras sa ABS-CBN.

ABS-CBN Film Restoration

“Nasuwertehan po namin ang ‘Mutya ng Pasig’ dahil hindi maraming pelikula ang nag-survive during this time. After the manual restoration, this probably is the clearest it has looked in 70 years, mas malinaw pa siya ngayon kaysa noong una siyang ipinalabas,” sabi ni ABS-CBN Film Restoration and Archives head Leo Katigbak

Ang supernatural melodrama ay umiikot sa kuwento ni Mercedes (Rebecca Gonzales) at ng kanyang sanggol matapos silang palayasin ni Dr. Modesto (Jose Padilla Jr.) batay sa kahina-hinalang tsismis. Pagkatapos habulin ng aso ni Modesto, nalunod si Mercedes sa ilog Pasig habang ang kanyang sanggol ay nabuhay at lumaki bilang ang magandang si Consuelo (Delia Razon), na tulad ng kanyang ina ay kokoronahan bilang Mutya ng Pasig. Dahil sa isang hindi magandang pangyayari, dinala si Consuelo kay Dr. Modesto para gamutin at kanyang nalaman na siya pala ang nawawalang anak. 

Libreng mapapanood ang iba pang LVN classics sa UPFI Film Center ngayong buwan katulad ng Triplets  (4:00 p.m.) sa May 5, Anak Dalita  (2:00 p.m.) sa May 6, Sandata at Pangako  (5:00 p.m. at 4:00 p.m.) sa May 6 at May 16, pati ang Mutya ng Pasig (4:00 p.m.) sa May 10.

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa Sagip Pelikula, i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …