Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosmar Tan Dingdong Dantes

Rosmar kinilig nang makita ng harapan si Dingdong

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI maiwasang kiligin ang CEO & President ng Rosmar Skin Essentials na si Rosmar Tan-Pamulaklakin nang makaharap ang kanyang showbiz crush, si Kapuso Primetime actor, Dingdong Dantes.

Naganap ang pagkikita nina Rosmar at Dingdong nang maglaro ang una kasama ang kanyang team sa Family Feud sa GMA 7, na si Dingdong ang host.

Kuwento ni Rosmar, “Grabe sobrang na-starstruck talaga ako nang makita ko ng face to face si Dingdong, sobrang saya ko po at grabe ang kilig, napaka-gwapo niya sa personal at napakabait na tao.

“Tapos sinabi ko sa kanya na ultimate crush at nag-iisang crush ko siya at ikinuwento ko na binuhat niya ako noong bata pa ako at pinirmahan niya ‘yung panyo ko.

“Ikinuwento ko rin ‘yung nagti-taping siya sa SM Manila bababa sana ako kaya lang marami akong dala, tapos doon sa Philippine Youth papasok na sana ako para magpa-selfie kaso sinaraduhan lang ako ng mga tao, parang presscon ‘yun ng Philippine Youth, tapos napapangiti siya.

“Kaya noong game na habang nakatingin ako sa kanya sobrang naa-amazed talaga ako kasi ang guwapo at ang bait niya, ‘di ko tuloy alam ang isasagot ko sa tanong niya hahaha, parang naba-blanko ako.

“Kaya nga after ng araw na ‘yun mas naging doble ang paghanga ko sa kanya, kasi sobrang bait talaga,” mahabang kuwento ni Rosmar.

Napaka-unforgettable at magical daw ng araw na ‘yun para kay Rosmar dahil sa wakas nakita at nakausqp niya si Dingdong  

at nakapag-video pa siya.

Hopefully ay makasama niyang muli sa isang proyekto si Dingdong, tulad ng sa teleserye o pelikula.

Samantala, sobrang happy at blessed si Rosmar dahil sa tagumpay at pagllago ng kanyang mga negosyo lalo na ang Rosmar Skin Essentials sa tulong ng kanyang very hardworking husband na si Nathan Pamulaklakin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …