Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Clarete Rossana Hwang

Julia Clarete balik-acting sa Edutainment sa Net 25

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAKATUTUWA itong bagong prodyuser ng teleserye sa Net25 na si Ms. Rossana Hwang.

Pero ang sabi niya, more than a producer, she’s a storyteller. Kaya nga nabuo itong kuwento ng Barangay Mirandas.

Sa tunay na buhay kasi, isa pala siyang tunay na Kapitana sa Barangay Dasmariñas sa Makati.

Umere na noong Linggo, 2:00 p.m.  ang kauna-unahang episode nila na tampok sina Julia Clarete at John Medina, ang Seats Up For Grabs.

Nang makausap namin si Ms. Rosanna, may tinanong nga siya sa amin, na lahat kami eh, bumagsak. Eng!!!

Sa kung ilan ang iboboto sa barangay posts, yaman at palapit na ito.

Hala! Walang pumasa sa amin, huh.

Kaya nga naisip niya ang naturang palabas eh dahil nga sa marami pa rin ang salat sa kaalaman pagdating sa mga dapat na natututunan sa barangay. Na siyang gobyerno ng isang pamayanan.

Kaya ito ang inuna niya sa tinalakay sa unang  episode. Ang seats na available sa barangay post. Kayo, alam niyo ba?

Nakatutuwang kausap si Ma’am Rosanna. She’s so animated. Sabi nga namin, pwede siyang komedyante. Pero taga-kuwento lang daw siya talaga. 

Ms. Rosanna has had her share ng mga hamon sa pagpasok sa industriya.

Inabot na siya ng katakot-takot na stress. Dahil noon, may nagawa na pala siyang pelikula. Na nalabas naman sa KTX.

May mga producer at direktor siyang gusto na munang kalimutan.

Imagine, may na-experience ako na no artista for the day. Tapos, mayroon ding naka-set up na ang lahat, tinatanong ako ng direktor kung ano next isu-shoot.”

Hindi pa naman niya naitataob ang mesa sa matinding galit niya. Pero ang malakas na hamon ng kamay niya sa mesa eh, nakagulantang sa mga nasa set.

Karakter siya and I like her.

Kumbaga, adbokasiya rin ‘yung sa bawat episode na mapapanood ng mga tao tuwing Linggo, may natututunan sila o nalalaman tungkol sa mga barangay nila.

Ang yumaong Senadora na si Miriam Defensor Santiago ang peg ng nakatutuwang karakter ni Julia. At iniba ni Ms. Rosanna ang personalidad ni John na mala-Tukmol sa karakter niya.

Ibang hirit naman mula sa produksiyon ni Ms. Rosanna. Pero hihintayin namin ang pagkakataong magkaroon siya ng eksena sa isa sa mga episode niya.

Edutainment ang ibabahagi natin sa viewers. With lessons in life,” ayon pa sa Boss ng Kapitana Entertainment Media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …