Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon Xian Lim Fifth Solomon

Xian at Ryza epektibong komikero, swak na swak ang tandem

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA, nakaaaliw, at tiyak mag-eenjoy ang sinumang manonood ng latest offering ng Viva Films, ang romcom at reincarnation movie, ang Sa Muli na idinirehe at isinulat ni Fifth Solomon.

Kapwa magaling ang mga bida ritong sina Xian Lim at Ryza Cenon na gumaganap sa tatlong karakter mula sa iba’t ibang panahon. Ginagampanan ni Xian ang mga karakter nina Victor na nabuhay taong 1900s, Nicolas na nabuhay noong 1950s, at si Pep, na isa namang nobelista sa present time.

Sa bawat reincarnation na nangyayari, paulit-ulit siyang nai-in love sa isang babaeng minahal niya, ang karakter ni Ryza bilang ni Aurora (1900s), ni Belen (1950s), at ni Elly (sa kasalukuyang panahon).

First time nagtambal sina Xian at Ryza pero may chemistry ang dalawa at bagay ang mga karakter nilang ginampanan.

Na-enjoy namin ang karakter ni Ryza bilang si Elly sa kasalukuyang panahon dahil talaga namang kakaibang Ryza ang napanood namin na makulit at talaga namang nakatutuwa.

Binabati namin si direk Fifth sa naiibang atake niya na tumatalakay sa reincarnation. Maayos ang pagkakalahad niya sa tatlong henerasyon.

Umiikot ang kuwento ng Sa Muli sa paghahanap ni Pep sa bagong pagkatao nina Aurora at Belen sa bagong panahon. Siya lang l ang nakaaalam ng kanyang third lifetime pa rin sa kanya ang mga nangyari sa dati nilang mga buhay.

At para maipaalala kay Elly na siya rin sina Aurora at Belen, at sila talaga ang itinadhana, pilit niya itong isinama sa mga lugar kung saan sila nagkakilala at nagkaibigan ng dalawang beses.

Sa pangatlong buhay nila ay plano ni Pep, na muling mapaibig si Elly at maiba ang kanilang tadhana ang magkatuluyan na sila.

Magtagumpay na kaya si Pep sa ikatlong pagkakataan? ‘Yan ang dapat na alamin ng mga manonood ng Sa Muli na talaga namang tiyak na matutuwa ang sinumang makakapanood.

Bukod sa istorya, matutuwa rin kayo kina Ryza at Xian sa pagiging komikero at masasabi naming isa ito sa magandang pelikula na nagawa nila kapwa.

Palabas na ngayong araw ang Sa Muli sa mga sinehan nationwide mula sa Viva Films. Panoorin nyo po itong pelikulang ito dahil hindi masasayang ang inyong ibabayad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …