MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Sunshine Dizon na pagkatapos nitong umalis pansamantala sa kanyang home studio, ang GMA 7 at mag-ober da bakod sa ABS-CBN at mapasama sa dalawang teleserye ay muli itong nagbalik sa Kapuso Network.
Napapanood nga si Sunshine sa teleseryeng pinagbibidahan nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla, ang Mga Lihim ni Urduja na napapanood sa Kapuso Primetime.
Ilang beses din namang inalok si Sunshine ng GMA para mapasama sa kanilang bagong bubuksang teleserye, pero hindi ito tinatanggap, dahil may bago itong negosyong binuksan at gusto niya itong tutukan.
Pero nang makaluwag- luwag ang schedule ay umokey naman na inalok siya ng GMA 7 na mapasama sa Mga Lihim ni Urduja na agad namang tinanggap ng seasoned actress.
Marami ngang mga tagahanga ng aktres ang natuwa na makitang muli sa kanyang original home studio at umaasang after ng serye ay may mga next project ito sa Kapamilya Network.
Ilan sa mga hit teleserye na ginawa ni Sunshine sa GMA ay ang Bakekang, Ika-anim na Utos, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka, Umulan Man o Umaraw, Encantadia, Impostora, La Vendetta, Magkaagaw. atbp..