Monday , December 23 2024
San Ildefenso Bulacan

Sa ‘Oplan Kalikasan’
ILLEGAL QUARRY SA BULACAN SINALAKAY

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang iligal na quarry na matagal nang inirereklamo ng mga residente at konsernadong mamamayan sa San Ildefonso, Bulacan kamakalawa

Kaugnay ito sa pinaigting pang anti-criminality operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nanguna sa operasyon alinsunod sa inilatag nilang “Oplan Kalikasan”.

Ang mga detektib ng CIDG Bulacan PFU na pinamumunuan ni PMajor Dan August C. Masangkay sa ilalim ng superbisyon ni PColonel Jess B. Mendez, RC CIDG RFU-3 katuwang ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang nagkasa ng police operation dakong alas-5:30 ng hapon..

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek (hindi muna pinangalanan) na naaktuhan “in-flagrante delicto” na nagpapatakbo ng iligal na quarry sa Brgy. Casalat, San Ildefonso.

Ang mga naarestong suspek ay nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Section 103 ng RA 7942 (Theft of Minerals) at paglabag sa umiiral na batas sa Bulacan na Ordinance C-005 partikular sa Section 71-A (Mining and Quarrying Regulations).

Ayon kay P/Major Masangkay, ang mga tauhan ng CIDG Bulacan PFU ay hindi titigil sa maigting na kampanya para matigil ang mga illegal quarry na sumisira sa mga yamang kalikasan tulad sa mga ilog at kabundukan sa Bulacan. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …