Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna

Ellen ayaw na sa showbiz

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAREHONG hindi na aktibo ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay at tiniyak ng aktres na hindi niya nami-miss ang showbiz o iyongpaggawa ng pelikula.

Sainauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na ginanap kahapon, April 26 na endorser si Ellen kasama si Santa Lopez, pinagkaguluhan ito at nakamusta ukol sa buhay niya ngayong wala na sa showbiz.

Ani Ellen, aligned na aligned ang buhay niya ngayon at ang pag-e-endoso ng isang medical clinic kaya tinanggap niya bukod pa sa pitong taon na rin naman siyang kliyente ng klinika.

Sinabi pa ni Ellen na ang mga endorsement na lang ang tinatanggap niya at ayaw na muna niyang tumanggap ng acting projects.

Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” paliwanag ni Ellen.

At dahil pareho sila ni Derek na ayaw na munang mag-artista natanong si Ellen kung pinag-usapan nila iyon?

Paliwanag ni Ellen, “I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na din niya. I think, because of COVID, you know, parang he realized a lot of things.”

Isa pa sa dahilan ay ang anak niyang si Elias kaya ayaw na muna niyang tumanggap ng teleserye o gumawa ng pelikula.

When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there, he’s turning 5,” anito.

Nagpaplano rin sila ni Derek na magkaroon ng baby ngayong taon kaya imposible talagang makabalik siya sa showbiz.

Nasabi pa ni Ellen na isang baby lang ang plano nila ni Derek.

Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical that offers Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings. Matatagpuan ito sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City in Taguig.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …