Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco ipinagsigawan relasyon kay Cristine

NAPAKAHABA naman ng hair ni Cristine Reyes dahil ipinangalandakan na ni Marco Gumabao ang kanilang relasyon sa buong mundo.

Noon pa ma’y nababalita na ang madalas na pagsasama nina Cristine at Marco sa iba’t ibang lugar at kahit ilang beses na naming tinanong ang aktor ay walang pag-amin dito bagamat hindi naman itinatanggi na madalas nga silang magsama ng aktres sa iba’t ibang lugar. 

Sinabi rin ni Marco na matagal na silang close ni Cristine.

At sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account, ipinagsigawan na nina Cristine at Marco sa buong mundo ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kahapon, April 24, nasa IG at FB ni Marco ang mga sweet photo nila ni Cristine na kuha sa ilang lugar na kanilang binisita nitong mga nagdaang buwan.

Caption ni Marco sa kanyang IG post, “You are my home and my adventure all at once (heart, face blowing a kiss emojis).”

Reply ni Cristine sa mensaheng ito ni Marco, face with hand over mouth, face blowing a kiss, smiling face with heart eyes, heart, at praying hands emoji.

Sa unang picture, makikita si Marco na hinahalikan si Cristine sa pisngi habang sila’y nasa buhanginan ng isang beach resort.

Sa isa pang litrato, holding hands while walking (HHWW) ang dalawa habang tumatawid ng kalsada.

May picture pa na parang Instapic na nakadikit sa refrigerator na may nakasulat na “HA HA HA (smiling emoji) LOVE YOU!” (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …