MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang ma-bash ang aktres na si Claudine Barretto ng i-post nito sa kanyang Instagram,@claubarretto, ang litrato niya l kasama ang guwapong anak na si Santino kamakailan.
Post nito sa litrato na may caption na, “Wow Finally, he agreed to have his picture taken with me. I promised not to post this though.”
Ang post ni Claudine ay umani ng batikos mula sa netizens na ang ilan ay sinagot ng aktres.
“If you promised not to post, then don’t. Respect your child’s request. This is important to him at this stage. Don’t ruin the trust.”
Sagot ni Claudine, “Ok lang po sa kanya. Alam nya na. Natawa lang po. Hirap po talaga pag binata.”
At kahit nga may mga natuwang makita ang larawan ni Claudine kasama ang 15 year old na kanilang anak ni Raymart Santiago ay mabilis naman itong binura ng mahusay na aktres dahil na rin sa mga negatibong komento.