Pitong indibiduwal na iitinuturong sangkot sa kalakalan ng droga sa Pampanga ang sunod-sunod na naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operations sa lalawigan kamakalawa, Abril 18.
Mga operatiba ng Mabalacat CPS ang nagkasa ng buy bust operation sa Madapdap Resettlement sa Brgy. Dapdap, Mabalacat City, Pampanga na nagresulta sa pagkaaresto ni Marco Maglalang y Visda alyas Tabor, 39, na residente ng Brgy. Dapdap Mabalacat City, Pampanga.
Nasamsam sa suspek ang apat (4) na piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, may timbang na 30 gramo, nagkakahalagang PhP 204,000.00 at PhP 1,000.00 bill na marked money.
Gayundin, ang mga operatiba ng Magalang MPS ay nagkasa ng anti-illegal drug operation sa Barangay San Jose, Magalang, Pampanga na nagresulta sa pagkaaresto ni Johhnrick Pantoy Orquita, high-aalue Individual (HVI), at Rex Cariño Manlupig, street level individual (SLI), kapuwa residente ng Balibago Angeles City.
Nasamsam sa dalawa ang limang (5) piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, may timbang na 58.1 gramo, nagkakahalagang PhP 395,000.00 at PhP 1,000.00 bill na marked money.
Samantalang sa pinagsanib na anti-illegal drug operation na ikinasa ng PDEU-PIU Pampanga PPO at San Fernando CPS sa Brgy. Sto Niño, City of San Fernando, Pampanga na nagresulta sa pagkaaresto ni Tracy Bituin y Sanchez (HVI), Michael Ferrer y Palma, Abigail Danting y Bituin, at Raymon PagquilL y Manaloto.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, may timbang na 12 gramo, halagang PhP 81,600.00 at PhP 500.00 bill na marked money. (Micka Bautista)