Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Isang linggong SACLEO sa Bulacan umarangkada na, 21 law violators nai-hoyo

Muling umarangkada ang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) operation ng Bulacan PNP na nagresulta sa pagkakadakip ng 21 law violators sa lalawigan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa ikinasang buy-bust operation ng Malolos City PS, ay nakakumpiska sila ng kabuuang PhP 50,400 halaga ng shabu.

Sa Atlag, Malolos City, dalawang suspek na kinilalang sina Marcelino Cruz at Danilo Manalang Jr.,ay naaktuhan sa pag-iingat ng pitong pakete ng shabu, drug paraphernalia, at marked money na ginamit ng poseur buyer sa operasyon.

Samantalang sa hiwalay na operasyon ay nadakip si Marcelo Padawan Jr. sa Brgy. Bagna sa naturan ding lungsod at nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang pakete ng plastic na naglalaman ng shabu.
Gayundin, sa mga serye ng drug sting operations na ikinasa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Balagtas, Angat, Guiguinto, at Paombong MPS, ay kabuuang anim na suspek sa droga ang arestado at 29 pakete ng shabu, apat na pakete ng marijuana ang nakumpiska..

Nagsagawa naman ang Paombong MPS ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkaaresto kay Fernando Camba na suspek sa pagkamatay ng isang 56-anyos na babae na sanhi ng pananaga sa Brgy. San Isidro 1, Paombong.

Ang biktima ay dinala sa Bulacan Medical Center, subalit sa kasamaang-palad ay binawian din ng buhay dahil sa malubhang sugat na tinamo sa katawan samantalang ang suspek ay nasa kustodiya na ng Paombong MPS at inihahanda na ang kasong kriminal na isasampa laban sa kanya sa hukuman.

Ang mga suspek naman na sina Cariza Mae Tannagan at Manuel Cesario, kapuwa residente ng Brgy. Liang sa Malolos City, Bulacan, ay arestado para sa multiple offenses, kabilang ang swindling, robbery extortion, at illegal recruitment.

Ang PIU, Bulacan PPO, at mga tauhan mula sa Malolos CPS ay nagsagawa ng magkasanib na entrapment operation bilang tugon sa rekalmo tungkol sa extortion sa pagpo-proseso ng mga dokumento para sa trabaho sa abroad.

Lima namang pugante na wanted sa iba’t-ibang krimen at paglabag sa batas ang naaresto ng tracker teams ng1st PMFC, Norzagaray, Baliwag, Sta. Maria, Balagtas, Plaridel, San Rafael, at Hagonoy MPS.

Kinilala ang mga ito na sina Fidel Samson para sa kasong Murder, Elsid Velasquez sa Rape, Jorge Manoloto sa Robbery, Evangeline Aquino sa Illegal Recruitment, Joey Aromin sa Robbery (nakatala sa municipal level MWP ng Balagtas, Bulacan), Estrellita Flores sa Swindling (Estafa), Bryan Garcia para sa paglabag sa RA7610 (Anti-Child Abuse Law), at Rodrigo Goot sa Grave Threats. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …