SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PATULOY na naghahatid ng magagandang panoorin ang Puregold, ang nangungunang retail company sa Pilipinas at kauna-unahan sa retailtainment, ng mga palabas na talaga namang kagigiliwan, at naghi-hit sa social media platforms, YouTube, at Tiktok.
At pagkaraan ng matagumpay nilang palabas sa kanilang YouTube series ng mga
palabas na GVBoys at Ang Babae sa Likod ng Face Mask at ng first Tiktok series na 52 Weeks, nagbabalik ang Puregold sa kanilang pinakabagong digital show, ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile na mapapanood na ang first episode sa April 22.
Pinagbibidahan ni Wilbert Ross, na gumaganap bilang si Bryce kasama si Yukii Takahashi bilang si Angge ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile na tiyak na mamahalin at kagigiliwan ng mga netizen dahil sa relatable at feel-good story nito.
Kasama rin sa serye sina Kat Galang bilang Genski; Migs Almendras bilang Ketch; Marissa Sanchez bilang Bessie (Bryce’s mom); Star Orjaliza bilang Yaya Aimee; Moi Marcampo bilang Chili Anne (ang may crush kay Bryce); TJ Valderrama bilang Cyrus (Angge’s brother); at Anjo Resurreccion bilang Jerry (Angge’s ex).
Sa Episode 1, mapapanood kung paano i-navigate ni Bryce ang kanyang buhay, ang galing at interes niya sa video-game, at kung paano siya madalas dakdakan ng kanyang inang si Bessie para maghanap ng girlfriend. Samantalang nagre-recover pa si Angge sa kanyang Toxoplasmosis, isang brain infection na nakaaapekto sa kanyang paggalaw. Mapapanood din sa unang episode kung paano nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng digital platform na Talkverse.
Ito ay idinirehe ni Victor Villanueva, na siya ring nasa likod ng matagumpay na Puregold’s hit series, Ang Babae sa Likod ng Face Mask.
Sa paggamit ng social media bilang vital sa kanyang narrative, Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay tiyak na mamahalin lalo na ng mga GenZ.
Ayon nga kay Puregold Price Club President, Vincent Co, maligaya siyang ibahagi ang seryeng ito sa mga Pinoy.
“We are excited to deliver another Puregold Channel original content to our customers and audiences,” aniya.
Kaya tutok na simula Abril 22 para sa isa na namang kagiliw-giliw na panoorin.