NAGPAHAYAG ng dalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario.
Si Del Rosario, na tinukoy ni Marcos Jr. bilang “an honorable diplomat and an esteemed public servant,” ay nasawi kahapon sa edad na 83 taong gulang.
“I join the entire nation in mourning the passing of former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, an honorable diplomat and an esteemed public servant,”anang Pangulo sa isang kalatas.
“I extend my deepest sympathies to the family and loved ones of Secretary del Rosario, who was known for his patriotism and integrity. We thank his deep commitment to our national interest and his unwavering devotion to our shared values,” dagdag niya.
Pinangunahan ni Del Rosario ang pagsasampa ng arbitration case ng bansa laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea noong 2013 at ang desisyon ay pumabor sa Filipinas. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos
KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …
Amihan na — PAGASA
IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …
Sa Tondo, Maynila
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN
NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …
UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT
UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …
Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
Eksperto sa sulat-kamay kailangan
PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …