Sunday , December 22 2024
HORI7ON

Ticket ng unang fan meet ng Hori7on sold out na 

SOLD OUT na ang tickets ng kauna-unahang fan meeting ng HORI7ON na Hundred Days Miracle:HORI7ON First Fan Meeting limang araw pa lang nang nagsimula ang bentahan nito.

Hindi na nga mapakali ang fans na makita sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda ng personal sa Abril 22 sa New Frontier Theater.

Nag-trending din ang parehas nilang hashtag na #HORI7ONFirstFanmeeting at #100DaysMiracle sa Twitternoong Abril 8. Sa ngayon, tanging balcony tickets na lang ang available.

Samantala, tumabo naman ng mahigit dalawang milyong views ang music video ng kanilang pangalawang debut single na Salamat. Iniaalay nila ang nasabing kanta para sa kanilang mga tagahangang sumuporta sa kanila noong nasa Dream Maker pa sila hanggang sa nalalapit na debut nila ngayong Hunyo.

Umabot na rin sa mahigit 100,000 streams sa Spotify ang kanilang unang pre-debut single na Dash

Marami-rami na nga ang achievements na nakukuha ng grupong HORI7ON na nabuo noong isang buwan matapos hiranging  winners sina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston ng idol survival show na Dream Maker

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …