Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Lovi Poe Kiss

Lovi ‘bumigay’ kay Coco, higupan scene tinalo sina Joshua-Janella  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

USAP-USAPAN ang mala-Joshua Garcia-Jane de Leon, at Janella Salvador kissing scene nina Coco Martin at Lovi Poe sa isang eksena ng FPJ’s Batang Quiapo.

Bumigay na raw si Lovi kay Coco at talaga naman daw tinalbugan ang tinawag ng mga netizen na ‘higupan’ noon nina Joshua-Jane, at Joshua-Janella sa Darna.

Anang mga netizen, grabe rin palang makahalik at makasibasib si Coco bilang si Tanggol sa karakter kay Mokang (Lovi). Ito iyong eksena sa debut party ni Mokang na ginanap sa covered court sa kanilang lugar na marami ang nakasaksi sa grabeng laplapan ng dalawa. 

Nakatatawa nga ang mga reaksiyon ng netizen na kumuwestiyon sa naturang halikan dahil parang hindi raw akma at parang bold ang naturang palabas.

Ipinakakahulugan din ng ilang netizen na tila ang laplapang iyon ang tinutukoy sa post ni Julia Montes (rumored partner ni Coco) sa kanyang Instagram na isang broken heart image.

Nrito ang  iba pang reaksiyon ng ilang netizens sa eksenang naka-post sa ABS-CBN reels:

“Kaya pala my pa-heart broken emoji si Julia M eh. sana if my partner ka na or asawa choice mo na alisin na yung mga ganiyang kiss as a respect sa feelings ng partner mo.”

“Ba’t parang bold hahaha!”

“Kaya pala heart broken ang post ni Julia sa IG.”

“Grabe tinalo na ni Coco si Joshua hahaha.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …