Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Xian Lim Fifth Solomon

Xian Lim inaming ini-stalk si Ryza Cenon; gustong makilalang mabuti

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGSELOSAN kaya ni Kim Chiu ang naging pag-amin ng kanyang boyfriend na si Xian Lim na ini-stalk niya ang leading niya sa pelikulang Sa Muli handog ng Viva Films at mapapanood na sa Abril 26.

Sa isinagawang media conference kahapon ng tanghali sa Botejyu, Vertis North, inamin ng aktor/direktor na in-stalk niya ang social media account ni Ryza Cenon para makilala niya itong mabuti bilang first time nilang magkakatrabaho ng aktres.

“Yes talagang in-stalk ko ‘yung social media account niya para magkaroon lang ako ng idea tungkol sa kanya. Kasi ngayon lang kami magkakatrabaho ni Ryza at nakatulong naman ang pang-i-stalk ko sa kanya,” pag-amin ng aktor.

Nagtanong-tanong naman sa mga kaibigan niya si Ryza ukol kay Xian at sapat na iyon para magka-idea siya ukol kay Xian. Pero hindi niya ginaya ang aktor na in-stalk ito sa kanyang socmed.

Anang aktres, “naririnig ko na rin naman ang pangalan ni Xian at nagtanong-tanong ako sa mga kaibigang nakatrabaho na niya kaya kahit paano nagkaroon na ako ng idea sa kanya. At true enough tama ‘yung mga narinig ko tungkol sa kanya. Mabait, masarap, katrabaho, at tinutulungan niya ako kapag may mahirap na eksena.”

And for sure hindi naman pagseselosan ni Kim si Ryza dahil taken na ang aktres at may anak na ito at alam niya kung gaano siya kamahal ni Xian.

Anyway, isang bagong romantic drama mula sa Viva Films ang mapapanood sa mga sinehan, isang pelikulang ipakikita kung paano kumilos ang tadhana at patutunayan  na lahat ng bagay na nakaayon sa iyo ay dumarating sa tamang panahon. 

Si Pep (Xian) ay isang nobelista na naniniwala sa reincarnation at alam niya na siya ngayon ay nasa pangatlo na niyang buhay. Mayroon siyang mga alaala ng mga dati niyang buhay na ginagamit niya ngayon para makagaw ang mga nobela.

Sa bawat buhay niya at bawat nobelang isinusulat niya ay mababasa ang tungkol sa isang abae, ang soulmate niya na sa kasalukuyang panahon ay nag-reincarnate bilang si Elly (Ryza). Nagpapalit man ang mga pangalan at kung sino sila sa bawat panahon, nararamdaman nila lagi ni Pep kapag nagtatagpo na sila at lagi’t lagi pa rin nila nahahanap ang isa’t isa.

May isang bagay lang na hindi maganda na nangyayari sa lahat ng reincarnation nila, sa tuwing susubkan nilang ipagpatuloy ang love story nilang dalawa, lagi itong nauudlot dahil laging binabawian ng buhay ang babae. Pero ngayon, nangako si Pep na gagawin niya ang lahat para hindi na mangyari iyon. 

Ang Sa Muli ay idinirehe ni Fifth Solomon at pinagbibidahan ng dalawang highly sough-after actor na patuloy ipinakikita ang pagmamahal at passion sa paggawa ng mga pelikula, panoorin sina Xian at Ryza sa kanilang first ever team up, ang Sa Muli. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula Abril 26, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …