Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Talents Academy pinarangalan sa 2023 Vietnam International Achievers Awards 

Talents Academy pinarangalan sa 2023 Vietnam International Achievers Awards 

MATABIL
ni John Fontanilla

FEELING nasa cloud nine hangang ngayon ang mahusay na director na si Jun Miguel sa parangal na ibinigay ng organizers ng Vietnam International Achievers Awards 2023, nang itinanghal na Asian Best Children Show ang Talents Academy na siya mismo ang director at roducer.

Sobrang saya ni direk Jun na hindi lang sa Pilipinas nabibigyan ng recognition ang Talents Academy maging sa ibang bansa.

Ayon nga kay direk Jun, “Sobrang grateful po talaga at nakaka-proud kasi we’re giving recognition and pride too to our country.

“It’s not only about us and our team efforts but sa karangalan ng ating bansa.

“Sobrang saya na ipagmalaki sa buong mundo ang talento ng mga Filipino. Nakatataba rin ng puso ang suporta ng ating mga kababayan at ramdam din namin ang paghanga ng ibang lahi sa atin during the awards night, na bawat bansa ay nagpakita ng kani- kanilang galing.”

Dagdag pa ni direk Jun, “’Di maitatanggi ang pagiging angat ng mga Filipino sa bawat sining sa buong mundo. Kaya naman nagpapasalamat ako sa bumubuo ng Vietnam International Achievers Award 2023 gayundin sa IBC 13 at sa lahat ng taong sumusuporta sa aming show.”  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …