MATABIL
ni John Fontanilla
USAP-USAPAN ngayon sa social media na hiwalay na raw ang napapabalitang mag syota na sina Joshua Garciaat Bella Racelis pagkatapos na i-unfollow ng social medi influencer ang aktor sa Instagram na ikinaloka ng marami.
Pero naka-follow pa rin ang mahusay na aktor kay Bella. Kaya naman malaking palaisipan sa mga netizen kung bakit nga in-unfollow ni Bella si Joshua.
At dahil dito iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga netizen sa isyu ng dalawa at ilan dito ang mga sumusunod:
“They were never officially together kasi di sya inaamin ni J.”
“Buti naman.”
“Buti naman. She deserves better. Dinedeny si alta girl ng isang jologs boy. Kainsulto yun.”
“Ok lang. Hindi naman sila bagay.”
“Si girl ang nagunfollow pero hindi si boy. Nagpakagentleman. What did you do Joshua?”
“Promo for upcoming serye. Para namang di kayo sanay. Lol.”
“Pakana ni promo boy, as usual.”