REALITY BITES
ni Dominic Rea
NITONG nakaraang buwan ng Marso ay naglipana ang mga fiesta sa buong bansa. Kaya naman masuwerte ang mga celebrity na humakot sa karaketan sa kung saan-saang parte ng ‘Pinas.
Pero ayon sa isang kuwento, tila desmayado raw ang isang bayan sa Abra? Dahil daw hindi man lang nakisalamuha itong si Michael Pangilinan sa isang bayan doon pagdating at pag-alis niya sa tinanguang event. Kaya pati raw ang kumuha sa kanyang kaibigan ay nadesyama sa inasal ng singer na umano’y lumabas lang ng kanyang van noong number niya at pagkatapos mag-perform ay agad-agad na ring bumalik sa sasakyan.
Wait huh, bakit noong kinuha ko siya sa isang bayan ng Abra ay hindi naman ganyan ang inasal ng dating anak-anakan namin?
Hindi ko alam ang buong kuwento pero ‘yan ang nakarating sa akin. Feelingerong sikat na sikat na raw si Michael at feeling superstar na raw?
Wait again, bakit noong sa akin ay hindi naman siya ganyan? Tanong ko lang, feeling niyo ay matatawag na rin kaya nating kahit paano ay star si Michael Pangilinan?
Ako, sa totoo lang, oo naman! Pero hindi pa super! Star lang kahit paano dahil may napatunayan naman na siguro siya sa kanyang karera. Pero ‘yung ganoong attitude, huwag nating kunsintihin at mali ‘yun.