Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray Celis Mother 1 Million

Kiray Celis pinaiyak ang ina 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang maiyak ng ina ng Sparkle Artist na si Kiray Celis nang regaluhan nito ng tumataginting na P1-M para sana sa kaarawan nito sa darating na Hunyo na inipon ng komedyana.

Maging si Kiray ay hindi rin napigilang maging emosyonal at tuluyan na ring naluha kasama ang kanyang mahal na ina.

At dahil napaaga na nabuo ni Kiray ang pangako sa kanyany sarili na bibigyan ng P1-M ang ina, hindi na nito pinaabot pa ng June at ibinigay na niya ang regalo.

Post nga ni Kiray sa kanyang social media, “Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina.. kulang pa yan sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin.  

“Akala ko June ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko na ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko,” dagdag niya.

Isang payo naman ang iniwan niya sa netizens patungkol sa pagmamahal sa magulang.

Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpahinga lang tapos tuloy ulit! Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin. Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. naappreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo!” pagtatapos ni Kiray.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …