Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF Summer Edition 2023

Pelikula nina Enchong-Miles at Bela nangunguna sa Summer MMFF

TAMA ang hula namin na ang pelikula nina Enchong Dee at Miles Ocampo ang mangunguna, ang Here Comes The Groom sa 1st Summer Metro Manila Film Festival dahil maganda at katatawanan ang pelikulang ito na handog ng Quantum Films, Brightlight Productions, at Cineko Productions. 

Subalit hindi ganoon kalakas ang turn out ng walong pelikulang kasali sa Summer MMFF na nagsimulang magbukas o napanood noong Sabado de Gloria, Abril 8, 2023.

Bagamat hindi masyado tinao ang pagbubukas ng Summer MMFF dahil posibleng marami pa ang mga nasa bakasyon o umuwi ng probinsiya, nanguna ang Here Comes The Groom, sumunod ang Yung Librong Napanood Ko na pinagbibidahan, isinulat, idinirehe, at ipinrodyus ni Bela Padilla, kasama ang Korean actor na si Yoo Min-Gon. Co-produced ito ng Viva Films.

Pumangatlo ang About Us But Not About Us nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana prodyus ng IdeaFirst Company, OctoberTrain, at Quantum Films.

Nasa ikaapat na puwesto ang Apag nina Coco Martin, Gladys Reyes, Shaina Magdayao, Mark Lapid, Joseph Marco, Jacklyn Jose, Julio Diaz, Gina Pareno, Vince Rillon, Ronwaldo Martin, Mercedes Cabral, at dating senador Lito Lapid. Si Brillante Mendoza ang direktor at prodyus ng Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society.

Nasa ikalimang puwesto ang Unravel nina Gerald Anderson at Kylie Padilla na idinirehe ni RC delos Reyesmula sa MavX Productions.

Ikaanim ang Love You Long Time nina Carlo Aquino at Eisel Serrano ng Studio Sixty-Three at idinirehe ni JP Habac at ang nasa pito at ikawalong puwesto ang Single Bells nina Angeline Quinto, Aljur Abrenica, at Alex Gonzaga na isinulat at idinirehe ni Fifth Solomon, prodyus ng TinCan FilmsKahit Maputi Na Ang Buhok Ko nina RK Bagatsing, Meg Imperial, Dennis Padilla, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Rosanna Roces, Christopher de Leon at iba pa handog ng Saranggola Media at idinirehe ni Joven Tan.

Ngayong araw, ang  pagbabalik sa mga opisina, eskuwelahan at umaasa kaming madaragdagan ang mga manonood pa ng pelikulang kalahok sa Summer MMFF at sana lang hindi muna maalis sa mga sinehan ang mga pelikulang hindi masyadong pinapasok. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …