Sunday , December 22 2024
Maine Mendoza Reg Sim Dead

Maine Mendoza may mahalagang babala sa sim reg

NAPAHANGA kamakailan ni Maine Mendoza ang netizens sa pagbibigay ng payo sa isang magulang na iniaasa ang kanilang pag-ahon sa kahirapan sa kanilang 7-anyos na anak.

Pinayuhan kasi ng Eat Bulaga host ang mga magulang ng bata na huwag ipasa ang responsibilidad o pinansiyal at pagbuti ng buhay sa mga anak na menor de edad.

Kapag nagseryoso talaga si Maine, iba ang dating.

At nito lang, nagseryoso ulit si Maine para magbitiw ng isang mahalaga at nakatatakot na babala sa publiko.

“Hi friends! ‘Di muna ako magpapatawa. Seryoso ‘to,” pambungad na babala ni Maine sa kanyang latest video. “Mag-SIM Reg para hindi SIM dead, Huwag dedmahin ang deadline para hindi ma-dead ang  SIM ninyo,” ani Maine.  

Ang kanyang babala ay ayon sa itinakdang deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-register ang lahat ng SIM sa bansa hanggang sa deadline na April 26, 2023. Lahat ng SIM na hindi mairerehistro ay permanenteng made-deactivate o ang tinatawag na SIM dead.

“Gusto ba ninyong mag-expire ang inyong mga SIM, dahilan para hindi na makapagbayad ng bills online, makapag-online shopping, at ‘di na rin makapasok sa  Facebook, Tiktok, at Instagram? Kaya huwag nang ipagpabukas pa, MAG SIM REG NA PARA HINDI SIM DEAD,” payo ni Maine.

Malaking hassle talaga ang permanent SIM deactivation o SIM dead dahil mawawala na ang naka-load na balance ng iyong SIM.

Kapag SIM dead, hindi na rin makatatanggap o makapagpapadala ng text messages, pati na ang One-time Password (OTP) na requirement ngayon sa digital banking,  mobile wallet apps, at iba pang social media apps tulad ng Facebook, Messenger, TikTok, o YouTube. Hindi na rin magagamit ang SIM para tumawag or makatawag, at siyempre ‘di na rin makaka-konek sa Internet.

Tandaan, lahat ng SIM kailangan i-register, mapa Smart, TNT o Smart Bro Pocket at Home WiFi man ito.

Kaya iwasang ma-SIM dead sa pamamagitan ng pag-register ng iyong Smart at TNT SIM ngayon.

Kung ikaw ay Smart Prepaid o TNT subscriber, i-register na ang iyong SIM sa http://www.smart.com.ph/simreg o i-download at mag-register sa GigaLife App. Kung ikaw naman ay Smart Postpaid user, kailangan lang i-confirm ang lahat ng iyong personal information sa iyong postpaid application. Para gawin ito, i-text ang YES sa 5858 at hintayin ang text confirmation.

Pakinggan na ang babala ni Maine, mag-SIM Reg para hindi SIM Dead.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …