Friday , November 15 2024
NORDECO Protest Rally

Dahil sa palpak na serbisyo NORDECO DINUMOG MULI NG PROTESTA Sigaw ng NorDav: NORDECO palitan na!

DINAGSA ng may 5,000 residente ng Davao del Norte ang ginanap na Solidarity eally sa Tagum City kahapon, 4 Abril, upang igiit sa Kamara de Representantes na aksiyonan ang tatlong panukalang batas na nakabinbin upang wakasan ang palpak na serbisyo sa koryente ng Northern Davao Electric Cooperative, Inc. (NORDECO).

Binigyang diin ni Davao del Norte Board Member Nickel Suaybaguio, panahon na upang aksiyonan ng Kamara ang House Bill numbers 5077, 6740, at 7047, itinuturing na lohikal na solusyon upang maiahon ang mga tagalalawigan sa kalbaryo ng tatlo hanggang limang beses na brownout kada araw na hindi kayang solusyonan ng (NORDECO) hanggang ngayon.

Sa gitna ng malawakang rally na nilahukan ng mga opsiyal ng pamahalaang lokal, mga negosyante, at consumers, muling iginiit ng mga desmayadong mamamayan, wala nang ibang solusyon kundi ang pagsaklolo sa kanila ng Kongreso sa pamamagitan ng terminasyon sa serbisyo ng NORDECO lalo’t kapakanan ng higit na nakararami ang napeperhuwisyo.

Kasabay nito, tinukoy ni Suaybaguio, hindi kayang tapatan ang mataas na singil sa koryente ng episyenteng trabaho.

Samantala, sinabi ni Ryan Amper, co-convenor ng Davao Consumer Movement (DCM), ang muling pagdagsa ng raliyista sa Tagum City ay larawan ng mas lumalawak na desmayadong mamamayan laban sa serbisyo ng NORDECO.

“Ang common [na problema], lagi-lagi ang brownout, lagi-lagi ang blackout, hindi lang sa buong Tagum, kung hindi sa buong Davao del Norte, including Samal,” pahayag ni Amper.

Idinagdag ni Amper, mas mataas nang halos P7 ang singil ng NORDECO kompara sa umiiral na singil sa koryente ng ibang kompanya sa karatig lalawigan.

Lumahok din sa rally si dating Tagum City vice mayor, Atty. Eva Lorraine Estabillo upang makiisa sa panawagang madaliin ng Kongreso ang pagpasa ng mga panukalang batas na tatapos sa kanilang dinaranas na kalbaryo. 

Matatandaan, kamakailan ay dinagsa rin ng kilos-protesta na ginanap sa Samal, gayondin ang rally na pinangunahan ng Tagum Chamber of Commerce and Industry, kasabay ng panawagan ng mga lokal na opisyal kabilang si Gov. Edwin Jubahib kontra NORDECO, sa gitna ng lumalalang sitwasyon na direktang apektado ang kabuhayan, trabaho, at turismo sa kanilang probinsiya.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …