Wednesday , May 14 2025
the who

THE WHO: Gov’t engineer, may borloloy  na P12-M relo, luxury jacket

ISANG engineer na nagsisilbing undersecretary ng isang ahensiya ng pamahalaan ang sinabing ‘laman ng marites online’ dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi namamatay ang usapan hinggil sa ‘shocking’ na presyo ng kanyang suot na relo at luxury brand jacket.

               Usap-usapan sa grapevine, kung ang gobyernong Filipino ay gaya sa China, tiyak na isasailalim sa imbestigasyon ang government engineer na dinaig ang mayayamang dating senador gaya ni Manny Pacquaio at ang bilyonaryong si Manny Villar, sa pagbabandera ng kanyang mga borloloy sa katawan.

Sa isang simpleng okasyon na pinuntahan ng government engineer nakitang suot niya ang jacket na Louis Vuitton na nagkakahalaga ng P.3 milyon.

Pero mas naging takaw-pansin ang kanyang suot na Richard Mille watch RM 67-01 model, na ang halaga ay P12 milyones.

Sabi nga, ang Richard Mille watch RM 67-01 model ay katumbas ng dalawang Lexus GX (Crossover) 460  292 HP.

               Hindi na yata kayang magtimpi ni government engineer na ibuyangyang sa publiko ang ganansiya ng kanyang ‘sipag at taga’ sa bawat proyekto ng gobyerno na dumaran sa kanyang palad.

               Magkano ba ang suweldo ng isang undersecretary para makabili ng ganito kamahal na relo? O baka naman barya na lang ‘yan sa mga ganansiyang kanyang nakamal?

               Sa gitna ng sunod-sunod na krisis, at halos hindi na makabili ng sibuyas, itlog, at asukal ang isang simpleng mamamayang Filipino, nakukuha pang magbandera ng milyon-milyong borloloy sa katawan ng isang government official gaya ni engineer.   

Kung si Pacquiao na literal na pawis at dugo ang naging puhunan para yumaman ay hindi nagsusuot ng ganoon kalaking halaga ng borloloy sa katawan e si engineer ibang klaseng magpabongga.

Habang ang mga sikat at mayayamang bilyonaryo sa bansa ay simple kung pumorma, si engineer ay tila may ‘negosyong’ dinaig pa ang mayayamang negosyante.

Tila mas malakas pa ang ‘negosyo’ niya sa mga lehitimong negosyanteng nagbabayad ng malalaking buwis at dinaig pa ang mga ipinanganak na may ‘gintong kutsara sa bibig,’

               At kung ang nabilanggong pork barrel queen ay mayroong umaapaw na pera sa bath tub, si government engineer ay tila may balon ng pera sa kanyang bulsa.

               Gusto ba ninyong masipat kung sino si engineer?

Unang clue: kasabay ng pag-apaw ng kanyang bulsa ang pagtaba ng katawan at pagbondat ng kanyang tiyan.

               Ikalawang clue: siyempre taga-DPWH siya, at humawak ng malalaking proyekto sa iba’t ibang rehiyon.

               Ikatlong clue: kapangalan niya ang isang basketbolista na nakatira sa isang sikat na subdibisyon. 

Gets na?!

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …