Tuesday , May 13 2025
Oplan Libreng Sakay
PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon ang send-off ceremony ng Oplan Libreng Sakay at ang pagbibigay ng instruksiyon at pagpapakalat ng 300 sasakyan para sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ng iba’t ibang transport groups sa unang araw ng kanilang kilos protesta. (BONG SON)

PAYAPANG TRANSPORT STRIKE APELA NI LACUNA, P/BGEN. DIZON
Oplan Libreng Sakay ‘wag gambalain

HUWAG na po ninyong ituloy, kung may balak manggulo, dahil nakahanda po ang ating pulisya na panatilihin ang peace and order sa ating lungsod.”

Ito ang pagtitiyak at apela ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, makaraang pangunahan ang kick-off ceremony ng deployment ng mahigit  300 sasakyan na gagamitin sa “Oplan Libreng Sakay” simula 5:00 am nitong Lunes, hatid ng pamahalaang lungsod ng Maynila at pulisya ni MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon para sa commuters na posibleng mai-stranded sa oras na lumakas ang inilatag na isang linggong transport strike sa Metro Manila.

Kasama ni Lacuna ang puwersa ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni PBGen. Dizon at iba’t ibang pinuno ng mga departamento ng lokal na pamahalaang lungsod, na sina Manila Traffic and Parking Bureau chief Zenaida Viaje, adviser Dennis Viaje, Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Councilor Awi Sia, Manila City Spokesperson Atty. Princess Abante, at chief of staff Joshue Santiago sa pagbibigay ng gabay sa mga driver ng mga sasakyan na kabilang sa aksiyon at malasakit na “Oplan Libreng Sakay.”

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Lacuna si General Dizon sa nakahandang 11 pick-up vehicles at tatlong malalaking  trucks na kabilang sa magsasagawa ng Oplan Libreng Sakay sa lungsod kasabay ng mga bus at iba pang uri ng sasakyan na nagmula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Aabot sa 300 E-trikes, ilang pick-up trucks, 17 bus, at tatlong transport buses mula sa MPD at iba pa, ang maasahan ng ating mga kababayan na kanilang masasakyan sa loob ng isang-linggong transport strike.

Ayon kay Lacuna, mula 5:00 am hanggang 10:00 am at 4:00 pm hanggang 10:00 pm mag-iikot ang mga libreng sasakyan sa lungsod para tumulong sa mga stranded na pasahero hangga’t umiiral ang welga.

Nabatid, dahil sa agarang hakbang ni Lacuna, Gen. Dizon at iba’t ibang departamento ng LGU ay walang inaasahang matinding epekto ang transport strike sa Maynila.

Idinagdag ni Lacuna, ang direktiba niya sa pagsasagawa ng online classes ay inaasahang magpapagaan sa epekto ng  transport strike.

“At least malaking kabawasan po ito sa gagamit ng public transportation,” ani Lacuna.

Tiniyak ni P/BGen. Dizon, nakahanda ang sapat na puwersa ng mga pulis-Maynila na naka-deploy sa mga lansangan upang matiyak ang payapa at maayos na welga at matiwasay na “Oplan Libreng Sakay.”

“Makaaasa po kayo na sisiguradohin po ng pulisya sa lungsod, na ligtas ang mga commuters at walang pahihintulutang manabotahe sa programa ng ating pulis at lokal na pamahalaan para sa kapanatagan at kapakanan ng mga Manileño,” ani Dizon.

“May mga pulis sa lahat ng lugar to ensure peace and order and walang manggugulo sa mga jeep na ‘di sumali sa strike at sa mga gustong mag-avail ng libreng sakay.  May mga traffic enforcer din tayong naka-assign sa loob ng mga bus to ensure na maayos,” pahayag ni Lacuna.

Kaugnay nito, maximum tolerance ang gabay at direktiba ni General Dizon sa mga pulis na nakabantay sa mga raliyista gayondin ang pagiging maalalahanin at mapagpasensiya kasabay ng makabuluhang aksiyon ng MPD sa kanilang “Oplan Libreng Sakay.” (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …