Sunday , December 22 2024
Martyr or Murderer

Martyr or Murderer aarangkada na sa March 1

MATABIL
ni John Fontanilla

MAPAPANOOD na sa mga sinehan ang much-awaited sequel ng biggest blockbuster movie in 2022. Matapos nating malaman kung sino ang tunay na Maid in Malacañang, isa sa pelikula naman ni Darryl Yap ang next chapter ng untold life story ng pamilya Marcos. Ang Martyr or Murderer ay showing na sa mga sinehan simula March 1, 2023.

Maraming avid fans at tagasuporta ang na-excite at nagpa-trending ng official trailer ng movie nang mai-post ito sa Vincentiments Facebook page at iba pang social media platforms. Umani na ito ng mahigit 1 million views 24 hours pa lamang ang nakalilipas. Tuloy-tuloy pa ang pagdami ng viewers habang hinihintay ang worldwide premiere ng movie.

Ang Martyr or Murderer ay kuwento ng pamilya Marcos bago at pagkatapos ng EDSA Revolution, ipakikita rin kung paano namuhay ang pamilya matapos nilang ma-exile sa Hawaii at kung paano hinarap ni Mrs. Imelda Marcos at ng kanilang mga anak ang sakit ni President Marcos Sr.. Buong tapang din na ilalahad sa pelikula kung paano napunta si Imee Marcos sa Morocco.

Ipakikita rin sa pelikula ang great love story nina Ferdinand at Imelda, isang mahal ay politika at isang ang mahal ay kultura ng Pilipinas. Panoorin kung paanong ang dalawang magkaibang tao ay pwedeng magsama, magmahalan, at maging hinahangaang ‘power couple,’ na kakayanin at magagawa ang lahat, basta’t sila’y magkasama.

Ikukuwento rin ng movie ang mga pinagdaanan at naging pagsubok ng pamilya Marcos at kung paano nila ito laging hinaharap bilang isang buong pamilya. Ano nga ba ang ginagawa ni Macoy sa bawat kontrobersiya, akusasyon at paratang na ibinabato sa kanya? Sino ang sinasandalan at inaasahan ng kanilang pamilya?

Ano ang katanungan sa likod ng mga lihim at hindi masagot na mga katanungan? At paano nito binago ang kasaysayan ng Pilipinas? Sino ang totoong bayani at ang tunay na mamamatay tao?

Sa pangalawang pelikula ni Darryl,  muling gaganap sina Cristine Reyes, Cesar Montano. Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang miyembro ng pamilya Marcos.

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Isko Moreno at Jerome Ponce as Ninoy AquinoMarco Gumabao bilang batang Marcos Sr. , Cindy Miranda bilang batang Imelda, Rose Van Ginkel as friend of Imee in Morocco, Sachzna Laparan bilang Cory Aquino at Billy Jake bilang kaibigan ni Ninoy Aquino. Nagbabalik din sina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga kasambahay ng pamilya Marcos.

Para sa mga kababayan natin sa abroad, may international screening ang Martyr or Murderer sa March 9 sa Middle East, March 10 sa USA at Singapore, March 11 & 12 sa Taiwan, March 11 sa Australia, Japan sa March 19, Tokyo Hibiya sa March 26 sa Osaka. April 2 sa Nagoya, Saitama Urawa at sa Tokyo Hibiya, April 9 at Hachioji, Tokyo Hiniya, at Saitama Kawaguchi. 

Abangan din ang screening dates in April, sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece, at Israel.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …