Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF Summer Edition 2023

Mga pelikula nina Bela, Coco, at Carlo pasok sa MMFF Summer Edition

INIHAYAG na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Edition. Ang walong pelikula ang nakapasa sa kanilang criteria na: artistic excellence, commercial appeal, Filipino cultural sensibility, at global appeal.

Nakatutuwang mga bigating artista ang bida sa walong napili tulad nina Coco Martin, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Bela Padilla, Enchong Dee at marami pang iba.

Ang walong pelikula ay ang Apag ng Center Stage Production na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan nina Coco Martin, Lito Lapid, Jaclyn Jose, at Gladys Reyes.

Sina Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, at Angeline Quinto naman ang bida sa Singlebells ng Tincan at pinamahalaan ni Fifth Solomon

Mula naman sa Octoberian Films, The IdeaFirst Company, at Quantum Fims ang About Us but Not about Usna pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas.

Kasama rin sa walo ang Kahit Maputi Na ang Buhok Ko ng Saranggola Media Productions, Inc. ni direk Joven M. Tan at pinagbibidahan nina RK Bagatsing at Meg Imperial.

Unravel: A Swiss Side Love Story naman ang handog nina Gerald Anderson at Kylie Padilla mula sa MAVX Productions Inc. at idinirehe ni RC Delos Reyes.

Bida naman sina Enchong Dee, Keempee de Leon, Awra Briguela, Xilhouete, Maris Racal, at KaladKaren sa handog ng Quantum Films, Cineko Productions, Brightlight Productions sa pelikulang Here Comes the Groom na idinirehe ni Chris Martinez.

Sina Bela Padilla at Yoo Min-Gon Yung naman ang bibida sa Libro sa Napanuod Ko ng Viva Communications, Inc. at idinirehe ni Bela.

At ang ikawalong entry ay ang Love You Long Time ng Studio Three Sixty Inc. ni JP Habac at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Eisel Serrano.

Bago ang pagpili, umabot sa 33 ang mga nagpasa ng entries. Dalawampu rito ay mga bagong entries, habang nasa sampu naman ang umulit sa pagpasa

Sa April 1 magaganap ang Parade of Stars at mapapanood ang walong entries simA April 8 hanggang 18. Ang Awards Night ay magaganap sa April 11.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …