Saturday , December 28 2024

Macoy, Imelda, at Ninoy may love triangle sa Martyr or Murderer?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING interesting facts ang malalaman sa pelikulang Martyr or Murderer (MOM) ni Direk Darryl Yap na mapapanood na sa March 1.

Makikita sa pelikula ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution, isang pasilip sa kanilang “life in exile”, at ang talakayan tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Imee Marcos sa Morocco. Talaga bang nagtago siya at nameke ng mga pasaporte? Paano ito hinarap ng kanyang mga kapatid? Paano ipinagpatuloy ng mag-asawang Marcos ang kanilang buhay matapos matanggalan ng kapangyarihan at dignidad?

Nais ding magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-kamatayang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Senador Benigno Simeon Aquino, Jr.

Paano nagsimula ang kanilang hidwaan? Ano ang tingin kay Ninoy ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bakit isinisisi sa mga Marcos ang kanyang pagkamatay?

At ang mas malaking katanungan: Sino ang tunay na bayani? Sino ang tunay na kriminal?

Ang isa pang kaabang-abang sa kuwento ay makikita raw sa MOM ang love triangle nina Macoy (Ferdinand Marcos Sr.), Imelda, at Ninoy.

Inusisa namin si Direk Darryl hinggil sa balita na noong mga single pa sila ay nanligaw o nag-date sina Imelda at Ninoy, makikita ba iyon sa pelikula?

Esplika ng controversial na director, “Yes, it’s gonna be part na… I want to spoil it na… because, kahit naman sabihin ko ay hindi mai-imagine kung paano nangyari iyon.

“But you know, together with the National Artist Juan Nakpil, Pete Cojuangco, and Ninoy, magkaka-batch silang nanligaw kay first lady Imelda.

“Kaya kapag tinanong mo, ‘First Lady, totoo bang may love triangle raw ba kayo nina Ninoy at Ferdinand?’ Ang sagot niya sa iyo, ‘No, it’s a love circle, my suitors are endless,'” nakangiting kuwento pa ni Direk Darryl.

Pasabog ang teaser ng MOM , sinadya ba niya ito para mas maging curious ang mga tao, kasama na ang bashers niya?

Tugon niya, “No, I want to show the people kung ano iyong time span ng trailer, just like what I’ve said, yung trailer ay limang pagkakataon. So its gonna be 1954, 1983, 1989, 1972, and of course 2016, which is the vice presidential race.

“So, I just want to give the scope. Of course I want to entice, I want to shock people, I want to provoke people…. but you know, I could only do so much.

“Iyon lang, gusto kong ibahagi sa kanila kung ano ang ine-expect nila sa movie. Trailer should be the expectation of the movie, so I guess, it’s my responsibility to show them na… iyon, na may ganoon.”

Pagpapatuloy pa ni Direk Darryl, “And just like what I’ve said, ganoon naman eh, feeling naman nila iyon, eh. Kahit ayaw sabihin ni Senator Imee, feeling naman nila ay dinaya sila, mag-eelectoral protest ba kung hindi? Hindi ba, hindi naman sila magpo-protesta?

“So, sa mga kakam-Pink na friends ko, malay ninyo sa Part-3 ilagay natin na natalo naman sila sa electoral protest. Hindi pa ito tapos, matagal pa ito… So, they don’t have to be very bitter about it.”

Anyway, nagbabalik sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang Imee Marcos, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bongbong Marcos, at Irene Marcos. 

Si Isko Moreno ang gumaganap na Ninoy Aquino. Ang batang Ninoy ay si Jerome Ponce.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Marco Gumabao bilang batang Marcos Sr., Cindy Miranda bilang batang Imelda, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga kasambahay ng kanilang pamilya, at si Rose Van Ginkel bilang Maricar, ang kaibigan ni Imee sa Morocco.

Tunghayan ang pagpapatuloy ng kanilang kuwento sa big screen. Martyr or Murderer, mapapanood na sa mga sinehan nationwide, simula ngayong March 1.

About Nonie Nicasio

Check Also

Anjo Pertierra Unang Hirit

Weather reporter Anjo Pertierra nawala ang hiya sa pandesal

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Unang Hirit cutie na si Anjo Pertierra ang isa sa pinakabago sa early morning …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian lagare sa serye at pelikula, suportado si Sam 

RATED Rni Rommel Gonzales ALAM na ng publiko ang tungkol sa pagtakbo ng businessman/TV host/philanthropist …

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Enrique Gil Strange Frequencies Taiwan Killer Hospital

Enrique maraming panganib na hinarap sa Strange Frequencies

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANG-GEN Z. Ito ang iisang komento ng mga nakapanood ng …

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …