Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ken Chan

Ken walang sama ng loob sa ama kahit iniwan sila 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Ken Chan sa Fast Talk With Boy Abunda noong Wednesday, sinabi niya kay Kuya Boy Abunda na panglima na sila sa pamilya ng kanyang ama. Pero sa kabila nito, wala siyang sama ng loob o galit sa kanyang ama nang malaman niya ito.

Sabi ni Ken, “Sobrang pinabago ako ng sitwasyon na ‘yon Tito Boy. I think I became a better person after that. Ako ‘yung tumayo na tatay o padre de pamilya ng pamilya namin simula noong nawala si papa at pinili niya ‘yung ibang pamilya. At naiintindihan ko siya roon, kasi kami ‘yung pinakahuli eh.”

Tanong ni Kuya Boy kay Ken, “Why do you understand it? Why do you understand your father na pang-lima kayo?”

Dahil may nauna sa amin at talagang dapat lang na piliin niya ‘yung kung sino ang nauna sa amin dahil ‘yun ang tama. At ‘yun ang naiintindihan ko at doon ako humuhugot at pinanggagalingan ko,” sagot ni Ken

Inilagay ko ‘yung sitwasyon ko sa kanya. Sabi ko rin sa sarili ko, kung mangyayari sa akin ‘yun, pipiliin ko rin kung sino ang nauna.”

“Dahil ‘yun ang tama at ang pagpili sa inyo ay mali? Ano ang kinalaman ng isang anak sa desisyon ng mga magulang? Saan kayo inilagay?” tanong ng King of Talk.

Ayon kay Ken, dumating sa puntong pinapili ng kanyang ina ang ama kung kaninong pamilya ang sasamahan nito.

Sa kanila. Dumating sa point na hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap ni papa ngayon, pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob,” pahayag ni Ken.

Bakit hindi ka nagalit na pinili ang ibang pamilya at hindi kayo?” tanong ni Kuya Boy.

Actually masaya pa ako Tito Boy kasi may mga kapatid ako sa labas. Masaya ako na marami kami. Pero siyempre para sa nanay ko, masakit ‘yun para sa kanya,” sagot ni Ken.

Pagpapatuloy niya, “Pero sa akin bilang isang anak, hindi talaga ako nagalit, hindi ako nakaramdam ng sama ng loob sa tatay ko. Honestly, mas naging masaya ako kasi mas malaki ang pamilya ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …