Monday , December 23 2024
Jhassy Busran John Heindrick JhasDrick MJ Manuel

JhasDrick sunod-sunod ang dating ng endorsement

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang loveteam nina Jhassy Busran at John Heindrick na kilala sa tawag na JhasDrick. Sunod-sunod kasi ang dating ng endorsement sa kanila.

Unang endorsement ni Jhassy ay ‘yung Winkle Tea and Winkle Donut. Sumunod ay ‘yung Chic (Choose Health Initiate Change), na silang dalawa ni John ang endorsement. 

At kamakailan ay pumirma sila ni John ng contract sa U(niversity)Home bilang ambassadors nito, kasama si MJ Manuel.

Masaya po ako actually, kasi kahit wala pa ‘yung movie namin, hindi pa naipalalabas ‘yung ‘Home I Found In You,’ marami nang nagtitiwala sa amin, at ngayon ay kasama pa namin si kuya  MJ. Thank you po kay Sir Jayson na pinagkatiwalaan nila kami. Sobrang saya po,” sabi ni Jhassy sa pagkakaroon nila ni John ng bagong endorsement.

Sabi naman ni John, “Ganoon din po, masaya ako na may bago kaming endorsement. Salamat din po sa pagtitiwala ng UHome sa amin.”

“Bale pangalawang endorsement ko na po ‘to. At nagpapasalamat din po ako sa UHome sa pagkuha nila sa amin bilang ambassadors,” sabi naman ni MJ.

Samantala, laging sinasabi ni Jhassy na magkaibigan lang sila ni John. Pero allowed na ba siyang ligawan?

Hindi naman po nila (parents ni Jhassy) ako pinagbabawalan. As long as parang..hindi itatago or what.

“And gaya ng lagi kong sinasabi before, we’re both happy kung ano man mayroon kami ngayon. We’re both enjoying each other’s company. Masaya kami ‘pag magkasama kami. And we’re contented with that. 

“Hindi po namin masasabi kung anong mangyayari in the future. But right now, we’re focusing sa present, na masaya kaming parehas.”

Sinegundahan naman ni John ang sinabi ni Jhassy, “Totoo naman ‘yung sinabi niya eh, happy kami kung anong mayroon kami. Siguro kasi hindi namin masyadong iniisip ‘yan, pero kung tatamaan, tatamaan.”

Sa tanong kay John kung liligawan niya si Jhassy in the future, ang tanging sagot niya, “Malalaman natin ‘yan in the future.”

Ano ba ang nagustuhan ni John kay Jhassy?

Pagiging maalaga ‘at saka mabait,” sagot ng binata.

“At lagi niya akong tinatanong kung kumain na ba ako,” natatawang sabi pa ni John.

So, thoughtful din pala si Jhassy kay 

John. Bongga!

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …