TULOY NA TULOY na ang ‘Summer Edition’ ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ang inanunsiyo ng MMFF kahapon kasunod ang pagsasabing 33 pelikula ang ipinasa na para sa festival.
Bale ito ang unang pagkakataaon na magkakaroon ng Summer MMFF na hindi natuloy dahil sa pagkakaroon ng Covid pandemic.
Sa 33, mahigit 20 ay mga bagong entries, habang sampu naman ang umulit na nagpasa.
Igiinit ng MMFF na walong pelikula lamang ang kanilang pipiliin para sa “official entries” na malalaman sa February 24.
Ayon kay MMFF Chairman Romando Artes masaya siya sa dami ng mga nagsumiteng entries para sa Summer MMFF. Nangangahulugan ito aniya, na bumalik na sa sigla ang industriya ng mga pelikula at excited na ila sa magiging tagumpay ng upcoming event.
“With the record-breaking number of films that have been submitted to us, we can say that our local movie industry is back in their game and is starting to create more quality films again for us to enjoy in the first-ever Summer MMFF,” ani Artes sa isang official statement.
“The MMDA and the film industry are both excited and looking forward to the success of the summer film fest which is another avenue to showcase local talent in making world-class Filipino films.
“The MMFF’s victory is the victory of the whole Philippine film industry.”
Magaganap naman ang Parade of Stars sa April 1 at mapapanood naman ang “official entries” sa mga lokal na sinehan simula April 8 hanggang 18. Ang Awards Night ay magaganap sa April 11.