Friday , December 20 2024
Blood Center Public Health Bulacan

Bagong Blood Center at Public Health Center sa Bulacan pinasinayaan

UPANG matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon, pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical Center Compound sa lungsod ng Malolos.

Bilang isa sa mga probinsiya sa Rehiyon 3, may nangungunang pasilidad sa pagkakaloob ng dugo at bilang natatanging blood center na pinamamahalaan ng probinsiya, sineseguro ng bagong blood center ang mas pinahusay na serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga bagong kagamitan tulad ng couches para sa anim na donor, refrigerated centrifuge, dalawang blood bank refrigerator, blood testing machine, at ultra-low plasma freezer.

Samantala, matatagpuan sa ikalawang palapag ng gusali ang Provincial Health Office – Public Health na kinabibilangan ng training room, logistics/stock room, Malaria hub at mga opisina para sa Health Education and Promotion Division, LGU Support Division at Epidemiology and Surveillance Division.

Nagtayo rin ng hiwalay na Cold Storage Room sa tabi ng bagong gusali na pinondohan ng United Nations International Children’s Emergency Fund upang matiyak ang maayos at ligtas na pag-iimbak ng mga bakuna para sa mga bata kabilang ang Penta Vaccine, BCG, MMR, Hepa B, PCV, IPV at OPV. Kasama rin dito ang 9,500 liters walk in refrigerator, ultra-low freezer na maaaring makalulan ng kalahating milyong suplay ng iba pang mga bakuna tulad ng COVID-19 vaccine kabilang ang Sinovac at Pfizer, bakuna sa pneumonia, bakuna laban sa trangkaso at HPV.

Sa mensahe ni Fernando, malaking tulong aniya ang pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa blood donations hindi lamang para sa mga Bulakenyo kundi sa iba pang pasyenteng nangangailangan ng tulong.

“Napakalaking tulong na atin pong binubuksan ang ating Blood Center dahil alam natin na galing tayo sa pandemya. Ito po ay isa sa kakulangan natin at kailangang bigyang muli dito sa ating lalawigan. Sa katotohanan naman, open tayo sa lahat. Marami na rin sa ating mga kababayan mula sa mga karatig probinsiya ang dinadala sa ating mga kaganapan, ngunit siyempre, ayusin natin ang ating mga kababayang Bulakenyo. Gayonpaman, tayo ay nakahandang tumulong sa abot ng ating makakaya,” anang gobernador.

Bukas 24-oras ang Provincial Blood Center upang magsilbi sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo habang maaaring mag-donate ng dugo mula 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon araw-araw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

PNP Marbil Simbang Gabi

PNP nakaalerto, sa pagsisimula ng Simbang Gabi

GANAP na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng …

Bulacan ECCD

Kampeon sa pagpapaunlad ng mga kabataan
BULACAN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA ECCD COUNCIL

Isa pang karangalan, na nagpapatunay ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng …

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …