DAHIL sa mga negatibo at nakatatakot na imahe ng Pilipinas kaya naalarma si Sen Robin Padilla at ipinatitigil ang pagpapalabas ng pelikulang Plane ni Hollywood actor Gerard Butler.
Anang aktor/politiko nababahala siya sa mga eksenang nagpapakita ng mga negatibo at nakakatakot na imahe ng bansa kaya naman nananawagab siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban at itigil ang pagpapalabas ng Plane sa mga sinehan sa buong Pilipinas.
Igniit ng aktor na malinaw na pagsira sa reputasyon ng Pilipinas na posibleng makaapekto sa ekonomiya ang pelikula ni Butler.
Sinabi pa ni Padilla na maling-mali ang timing ng pelikula lalo’t sinusubukan ng gobyerno na pabanguhin at pagandahin ang bansa.
Samantala, agad naming hiningan ng reaksiyon ang MTRCB sa panawagang ito ni Sen Robin.
Ani MTRCB Chairman Lala Sotto, ire-re-evaluate nila ang pelikulang Plane bilang tugon sa panawagan ng aktor/politiko.
Narito ang buong statement na ipinadala ng MTRCB:
“We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, “Plane.” Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re- evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people.”