Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun M16 Rifle

5 sundalo patay, 1 sugatan, sa nag-amok na kabaro

LIMANG SUNDALO ang namatay, kabilang ang amok  na nagwala sa loob ng kampo ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army sa Brgy. Patag, lungsod ng Cagayan de Oro nitong Sabado ng umaga, 11 Pebrero.

Ayon kay Maj. Francisco Garello, Jr., tagapagsalita ng 4ID, binaril ng suspek na kinilalang si Pvt. Johmar Villabito ang kanyang mga kapwa sundalo habang natutulog sa loob ng kanilang barracks sa Service Support Battalion (SSBN) unit.

Kinompirma ni Garello na kasama ng suspek sa silid ang isa sa mga biktima habang pinuntahan niya ang iba pa sa kanilang mga silid saka pinagbabaril.

Ayon sa pulisya, binaril ni Villabito ang biktima sa hindi malamang dahilan gamit ang isang M16 rifle.

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang 4ID mula sa mga saksi upang matukoy ang motibo ng suspek sa pamamaril.

Samantala, ipinahayag ng Cagayan de Oro CPO na nakikipagtulungan sila sa 4ID sa patuloy na imbestigasyon ukol sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …

Gun Fire

Sa Pasay City
Notoryus na kawatan todas sa inuman

PATAY ang isang lalaking nakikipag-inuman sa tabing kalsada matapos barilin sa ulo, nitong Miyerkoles ng …

San Simon Pampanga

Alkalde ng San Simon, Pampanga nagtatago na

NAGTATAGO na ang suspendidong alkalde ng San Simon, Pampanga na si Abundio Punsalan, Jr., matapos …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …