Friday , November 15 2024
Operasyon ng DOST-SETUP beneficiary, level up na
Operasyon ng DOST-SETUP beneficiary, level up na

Operasyon ng DOST-SETUP beneficiary, level up na

CAGAYAN DE ORO CITY – TUMAAS at umasenso na ang operasyon ng isa sa benepisyaryo ng Department of Science and Technology Small Enterprise Technology Upgrading Program (DOST-SETUP) sa lungsod na ito, makaraang mabigyan ito ng License to Operate (LTO) ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang  SG Business Ventures, Inc, (SGBVInc.) ay negosyong pinamumunuan ng isang babae, na ngayon ay lalong lalago ang mga negosyo at kasapi dito ang e-nutribun production sa maramig bahagi ng Cagayan de Oro City at mga kalapit na lugar at lungsod.

Naigawad ang LTO mula sa consultancy services ng DOST at kabilang sa suporta ng ahensiya ay writeshop sa dokumentasyon ng current Good Manufacturing Practices (cGMP) at quality Standard Sanitation Operating policies, plans and procedures (SSOPs). Ang mga naturan ay major requirements ng FDA.

Upang lubos na mamataan ang paglaki ng negosyo sa ipinatupad na GMP at SOP guidelines, ang kompanya ni Agnes Gonzales ay naka-enrol din sa Manufacturing Productivity Extension (MPEX) Program, kung saan ay tumanggap ang negosyo ng consultancy services mula sa mga bihasa at eksperto.

Tumulong din ang DOST sa pagkuha ng trademark para sa Bake O’Clock logo. Ang SGBVInc. ay tumanggap ng pagkilala bilang UV Light Germicidal Sterilizer mula sa DOST upang masigurado ang kalidad ng produkto at ligtas na lugar para sa mga manggagawa nito.

Ang SG Business Ventures Inc. ay isa sa finalists sa DOST-FIC Mind to Market Program on Banana Flour – isang konsepto bilang pamalit sa wheat flour para sa mga piling pastry products. Ang Utility Model Application dito ay kasalukuyang pinuproseso.

Bilang benepisyaryo ng DOST-SETUP Program, ay nakatanggap ng maraming food-grade equipment ang kompanya para sa pastries at pagpatupad ng DOST Food and Nutrition Research Institute (FNRI) technology – ang paggawa ng enhanced  nutribun.

Nakapag-supply na sila ng ENutribun sa National Nutrition Council para sa kanilang Tutok Kainan Feeding Program for Pregnant Women sa mga piling lugar sa lalawigan ng Bukidnon.

Nakapag-supply din ang SGBVInc. ng ENutribun sa lalawigan ng Misamis Oriental para sa Feeding Program of Pregnant Women sa lahat ng munisipalidad dito at nasuplayan din ang pangangailangan ng Department of Education.

Inaani na ngayon ng SGBVInc. ang benepisyo mg iba’t-ibang technical assistance ng DOST bilang technology licensee at nadagdagan pa ang gross sales nito.

Nagpasalamat si Gonzales sa SETUP Program dahil sa pagpatuloy ng kanilang nergosyo kahit sa panahon ng pandemya. “Lumaki ang aming negosyo na nagsimula sa iisa at maliit lang at ngayon ay may apat na sangay. Hiwalay pa rito ang pagawaan ng ENutribun. Lumaki rin ang aming kita na nangunguhullugan ng dagdag na trabaho para sa komunidad, partikular na sa Barangays Indahag, Macasandig at Carmen.  Thank you so much DOST. You have helped us sustain our business. We are forever grateful,” ani Gonzales.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …