Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bella, Marco parehong mahusay sa Spellbound

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang  Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na Spellbound na siyang magiging pre-Valentine movie ng Viva Entertainment at pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

Tama ang description ng production sa movie, isang 3-in-one entertainment combo na siguradong hinding-hindi n’yo makalilimutan after mapanood. Ginagampanan ni Bela ang character ni Yuri na simula nang makaligtas sa aksidente noong high school ay nakakakita na ng mga multo. At kahit sa mga taong malalapit sa kanya ay nagpaparamdam ito, kaya naman nagdesisyon itong iwan ang kanyang pamilya.

At dito na nga ay isang magician ang dumating sa kanyang buhay na maaaring magpabago ng kanyang isip. At ang magician na ito ay si Victor na ginagampanan ni Marco na idinadaan lamang sa kanyang charm ang mga manonood, at hindi naman talaga magaling mag-magic.

At nang makilala nito si Yuri, naging inspirasyon nito para makabuo ng isang horror magic show na nag-click naman sa mga manonood. Nang maging stage magician si Victor, kinuha niya si Yuri para gumanap na multo sa kanyang palabas.

Dito ay ginagampanan naman ni  Rhen Escaño ang role bilang si  Krissy na bestfiend ni Yuri bago ito namatay sa aksidente. Si Krissy ang magiging saksi sa

nabubuong pagtitinginan nina Yuri at Victor na siya ring magiging hadlang sa dalawa.

Napakahusay nina Bella at Marco sa movie at napakaganda ng pelikula kaya hindi kayo magsisisi na panoorin ang movie na ito ng Viva Films na nag simulang mapanood February 1 sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …