MASAYANG-MASAYA ang dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel na siyang producer and director ng matagumpay na children’s show sa telebisyon na Talents Academy dahil wagi ito sa katatapos na PMPC 35th Star Awards for Television last January 28 na ginanap sa Winford Manila Resort and Casino bilang Best Children Show at Best Children Show Host.
Kuwento ni Jun, grabe ang hirap na pinagdaanan nila para makapagpalabas ng bagong episode every week dahil ‘yun ‘yung time na kasagsagan ng pandemya. Pero gumawa raw sila ng paraan para makapagpalabas pa rin ng bagong episode at hindi mag-replay.
Kaya naman pinasalamatan nito ang mga magulang ng mga batang hosts ng Talents Academy sa 100℅ na suportang ibinigay ng mga ito noong nga panahong iyon.
Ayon nga kay Jun, “Tito John hindi po madali ang pinagdaanan namin noong mga panahon ng pandemic para makabuo at makapagpalabas ng linggo-linggo ang Talents Academy, dahil bawal lumabas ang mga bata noon.
“Kaya naman lahat ginawa namin pumupunta ako sa bahay ng bawat host para i-shoot para kahit paano ay may maipalabas kami every week.
“Kaya naman ang pagwawagi namin ngayong gabi bilang Best Children Show at Best Children Show Host ay napakasarap dahil nag-fade at worth it lahat ang hirap na pinagdaanan namin noong mga panahong may pandemya.
“Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga magulang, mga batang host ng ‘Talents Academy’ at sa aking crew sa suporta sa show namin.
“Nagpapasalamat din ako sa Philippine Movie Press Club na siyang nasa likod ng Star Awards for Television, maraming- maraming salamat po!”
At sa panibagong award na natanggap ay mas pagagandahin pa nila ang bawat episodes na ipalalabas linggo-linggo. (John Fontanilla)