Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Luisa Varela Miss Planet International 2023

Maria Luisa Varela itinanghal na Miss Planet International 2023

HINDI man tayo pinalad na manalo sa Miss UniverseMiss International, at Miss Earth ay wagi naman ang Pilipinas sa Miss Planet International 2023 na ang ating pambatong si Maria Luisa Varela ang kinoronahang Miss Planet International 2023.

Habang 1st runner-up si Miss Zimbabwe, 2nd runner-up si Miss Japan, 3rd runner-up si Miss Vietnam, 4th runner-up si Miss Finland, 5th runner-up si Miss  Latvia, at 6th runner-up si Miss Cambodia.

Ang beauty queen and actress na si Herlene Budol sana ang representative ng Pilipinas sa 2023 Miss Planet Earth International kaya lang ay nagkaroon ng aberya hangang nagdesisyon ang kanyang camp na hindi na tumuloy sa pageant.

Hangang sa si Maria Luiza Varela ang naging representative ng Pilipinas sa nasabing pageant na ginanap sa Cambodia last January 29.

At kahit nga sandali lang ang naging paghahanda nito para sumabak sa Miss Planet International na sinabayan ng sandamakmak na kontrobersiya ay nanatiling kalmado, nag-focus sa kompetisyon at desididong maiuwi ang kauna-unahang title and crown sa bansa.

Kaya naman sa angking ganda, talino, at determinasyong manalo ay ito ang nagwagi at kinoronahang Miss Planet International 2023. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …