I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS umikot sa iba’t ibang international films festivals, mapapanood na rin sa Philippine cinemas ang pelikulang Latay (Battered Husband) mula sa BG Films International na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Allen Dizon.
Mula ito a panulat at direksiyon ni Ralston Jover na siyang nagsulat ng award-winning movies na Kubrador ni Jeffrey Jeturian at Tirador ni Brilliante Mendoza,
Umaatikabong bakbakan sa aktingan ang mga bidang sina Lovi at Allen na kapwa premyado sa aktingan.