Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Deniece Cornejo

Talak ng netizens kay Deniece — Enjoy life… ’wag bitter  

INULAN ng masasakit na komento ang controversial model na si Deniece Cornejo makaraang magkomento sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa noontime show na It’s Showtime noong Lunes.

Sa kanyang FB account ay nagtanong si Deniece sa mga supporter niya kung ano ang inaabangan nila sa nasabing araw? “Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!” na may hastag na “#ryhmeswithWRONG”

Dali-daling kinagat ito ng publiko at nagkomento na karamihan ay negatibo.

Anang ilang komento, “Enjoy life coneho  life is too short wag bitter.”

“Kaht p anong gwin mo, kakampi ng naaapi ang itaas, kaw cnong kakampi mo pera. Nauubos yn pro ang respeto at pagmamahal ng tao s taong plit mong sinisira ay mananatili.”

“Ikaw dapat denice ang ibalik sa kulungan.”

Girl paki search mo kc ung words na acceptance and forgiveness for sure mgkkaron k na nyan ng peace of mind then move on …hanapin mo sarili mo sa ibang sulok ng mundo total mapera ka nmn na dba..hayaan mo n si Vhong pra pareho na kaung tahimik bhala na si Lord jan.”

“Parang kaluluwang di matahimik eh.”

“Sayang’ din ‘to..di matahimik, aba’y wala pa’ko nabasa kampi sa kanya..I hope she can find the reason to h’ve peace in her heart.” (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …