Sunday , December 22 2024
Louise Delos Reyes

Louise raratsada sa paggawa ng teleserye

MATABIL
ni John Fontanilla

WINNER ang sagot na “Kebs” ni Louise Delos Reyes sa nakaraang Thanksgiving party na ginanap sa Greyhound Café, Rockwell, Makati City sa mga kumukuwestiyon sa pagkapanalong Best Picture ng pelikula nilang Deleter sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2022.

Ayon nga kay Louise, “Kebs! Basta kami, proud lang kami sa movie namin at sa ginawa naming lahat. Hindi ko pinapansin ang nega comments at hindi ko rin sasagutin. Sobra lang akong nagulat sa result, overwhelmed.

“Actually nasa Bali, Indonesia ako kaya nagulat ako at sobrang saya ko sa mga nababasa ko sa social media na malakas ang ‘Deleter’ sa takilya at later on nag-number two tapos number one na ito.”

Ibinahagi rin ni Louise sa kung saang eksena siya nahirapan nang husto at ito ay ang kanyang elevator scene dahil wala pala talagang tao sa floor na ginamit nila at talagang madilim. Bukod sa  dalawa lang sila ng cameraman sa elevator na super-dilim, namali pa siya ng pindot ng floor kaya naman nang bumukas ang pinto talagang sobrang dilim.

After the success ng  Deleter ay may kasunod na proyekto si Louise na isang teleserye, kaya naman masayang-masaya ito dahil may work kaagad siya sa 1st quarter ng 2023.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …