Monday , December 23 2024
tubig water

Sa unang bahagi ng taong 2025
ABOT-KAYANG PRESYO, SAPAT NA TUBIG PARA SA 350,000 KABAHAYAN SA BULACAN

TINIYAK ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC), mabibigyan ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat, at abot-kayang halaga ng tubig ang halos 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025. 

               Ito ay kapag natapos ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San Ildefonso, San Miguel, at San Rafael.   

Sa kasalukuyan, 13 water districts sa Bulacan ang nakakukuha ng treated bulk water na ipinapamahagi sa 220,000 kabahayan sa siyudad at bayan na kasama ang Balagtas, Bocaue, Marilao, , Obando, San Jose Del Monte, Bulakan, Calumpit, Guiginto, Malolos, Paombong, Plaridel, at Sta. Maria.   

Lumalabas na ang presyo na LCWDC para sa nasabing Bulacan water districts ay may pinakamababang presyo sa bansa sa P9.66 kada cubic meter o 1 centavo kada litro.  

Kapag natapos ang Stage 3 ay aabot sa 24 lugar ang sakop ng LCWDC sa Bulacan. 

“With the growing population in the province, we expect a greater demand for water in the coming years. As such, our BBWSP teams are working double time to further expand our coverage areas to allow more households to benefit from reliable, affordable, clean, and potable supply of water. We still have a long way to go given the delays brought about by the pandemic, but with the support of local government units, water districts, and the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), we are confident we can meet our targets on time,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang. 

Ayon kay Ang, ang hangad ng nasabing proyekto ay upang mapunan ang pangangailangan para sa tubig na malinis, abot-kayang halaga, at maaasahan na walang masamang epekto sa kapaligiran dulot ng sobra-sobrang pagkuha ng tubig mula sa groundwater sources. 

Ang average volume ng Bulacan Bulk Water Supply Project ay 190 million liters kada araw, at may maximum capacity na 388 million liters kada araw.

Isa lamang ang BBWSP sa proyekto ng SMC na may kinalaman sa tubig. 

Noong 2017, y itinigil ng SMC ang bottled water business nito para mabawasan ang epekto sa kapaligiran. May proyekto rin ang kompanya upang mabawasan ang paggamit ng tubig ng 50 porsiyento sa taong 2025. 

Tinapos ng SMC ang P1-billion Tullahan River clean-up noong 2-22 Setyembre 2022 at 1.12 million metric tons ng dumi at basura ang natanggal sa nasabing ilog.

Kasalukuyang may river clean-up project rin ang SMC sa Pasig River. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …