Friday , November 15 2024
Traffic, NCR, Metro Manila

Holidays tapos na
UVVRP CODING SCHEME EPEKTIBO MULI —MMDA

MULING ipinatupad ang number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula kahapon, Martes, 3 Enero 2023.

Pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista na muling ipinatutupad ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) coding scheme simula kahapon matapos ang long weekend at holiday season.

Ayon sa MMDA sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila batay sa huling digit ng kanilang plaka sa nasabing coding hours.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkoles, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Exempted sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, marked government vehicle, trak ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bombero, ambulansiya, at sasakyang may dalang mga perishable  essential goods.

Magsisimula ang number coding, 7:00 am hanggang 10:00 am habang 5:00 pm at 8:00 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holiday. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …