AMINADO ang Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP), luma na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System ng CAAP.
Ayon sa CAAP, taong 2019 nang simulang gamitin ang nasabing equipment.
Sa pahayag ng CAAP, ang naturang equipment ay pinondohan pa noong 2017 ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa halagang P10.8-bilyon.
Kinompirma ng CAAP na nagsumite sila ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para maisaayos ang air traffic management system ng bansa.
Tinalakay aniya ito sa Pangulo ni Department of Transportation Secretay (DOTr) Jaime Bautista. (RAFAEL ROSOPA)