Monday , December 23 2024
Daniel Fernando Alexis Castro Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center Bulihan Malolos Bulacan

Bagong rehab center sa Bulacan pinasinayaan

SA LAYUNING masagip atmagabayan ang mga kabataang lumabag sa batas o children in conflict with the law (CICL) tungo sa mas magandang kinabukasan, pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office ang bagong Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) na matatagpuan sa Brgy. Bulihan, sa lungsod ng Malolos.

Binubuo ang bagong rehabilitation center ng mga moderno at mas maayos na pasilidad kabilang ang sampung dormitoryo, library, clinic, prayer room, isolation room, activity area/mess hall, basketball court, palikuran, at laundry area na kayang magpatuloy ng hindi hihigit sa 200 indibidwal na may edad 15 hanggang 18 anyos.

Ayon sa pinuno ng TPYRC na si Jay Mark Chico, nakatuon ang mga programa na ipinatutupad sa loob ng center sa pagkakamit ng treatment goals para sa mga indibidwal na kabataan at buong grupo sa kabuuan upang matulungan silang bumuo ng socially constructive at produktibong pag-uugali, kaya naman ang kasalukuyang bilang ng mga kabataang nananatili sa rehabilitation center ay bumaba sa 55 kompara noong taong 2018 na may 150 CICL dahil sa pinagsamang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan at PSWDO.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fernando, patuloy na magsisikap ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng psychosocial at therapeutic programs sa mga minor-aged law offender o mga CICL para sila ay maging kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.

“Sa loob ng mga nagdaang taon, pinatunayan ng Tanglaw Pag-asa ang pagbibigay proteksiyon, paggabay, at pag-aaruga at ‘di matatawarang dedikasyon upang hubugin ang mga kabataang nasa pasilidad na maging produktibong miyembro ng ating pamayanan at lipunan. Patuloy rin po tayong nakatutok sa pagpapatibay ng mga psychosocial at therapeutic programs maging sa paghahatid ng mga livelihood training at alternative learning system (ALS) para sa ating mga CICL,” anang gobernador.

Habang nasa ilalim ng pangangalaga ng TPYRC, binibigyan ng access ang mga CICL sa lahat ng kinakailangang serbisyo kabilang ang edukasyon; moral na pag-unlad; legal na tulong; serbisyong pangkalusugan; mga serbisyong sikolohikal; mga serbisyo sa nutrisyon; espirituwal at moral na serbisyo; programang pangkabuhayan; livelihood services; at pagbibigay ng mga damit at personal na mga gamit na makatutulong sa kanila upang makaagapay sa muli nilang pagbalik sa kanilang mga komunidad.

Ang Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center ay pinamamahalaan at pinopondohan ng pamahalaang panlalawigan at pinapangasiwaan ng PSWDO alinsunod sa Republic Act No. 9344 na sinususugan ng Republic Act No. 10630, at sa buong rehiyon, tanging ang lalawigan ng Bulacan lamang ang may ganitong uri ng pasilidad para sa mga CICL. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …