Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosmar Tan

Rosmar namigay ng 3 kotse, motor, Iphone 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI sagabal ang kahirapan sa taong gustong umasenso at magkaroon ng magandang kinabukasan ayon sa CEO & President ng Rosmar Skin Essentials na si Rosmar Tan.

Aminado si Rosmar na hindi ganoon niya kabilis naabot ang tagumpay at ganda ng buhay na mayroon siya ngayon, pero nagsikap, nagtiyaga, at nagsumikap siya para maabot ang kanyang pangarap katuwang ang very supportive husband na si Nathan kaya naman nng maabot ang tagumpay at magandang buhay ay ibinabahagi naman ito ni Rosmar sa iba.

Katunayan nagbigay ito ng kotse, motor, cellphones, Trip to Singapore at Boracay at cash prizes last December sa kanyang event sa SMX sa Hall 1 and 2 Pasay, City.

Ayon kay Rosmar, “Naranasan ko ring maghirap, pero hindi ‘yun naging handlang para tuparin ang pangarap na umasenso, kaya naman nagsumikap ako kasama ng asawa ko. Kaya naman nakamit ko ‘yung mga pangarap ko.

“Sa ngayon ay okey ang aking negosyo, mayroon akong masayang pamilya at nabibili ko na ang mga bagay na pinangarap ko lang noon.

“Kaya naman ito naman ang oras para tumulong at magpasaya ng ibang tao, kaya  namigay ako ng tatlong wigo car, cash na P10k, P20k, P50k, at P100k, sampung motor, iphone at ipad.”

Dagdag pa nito, “Marami rin akong CEO na pinapunta at ipino-promote ko ang no to brand war at nagbigay ako ng hundred million at ng mga trip to Singapore and trip to Boracay.”

Naging espesyal na panauhin ni Rosmar sa kanyang grand event ang ilan sa sikat na celebrities sa bansa. “Mayroon on akong special guest sa aking event sina Gerald Anderson, Michael Pangilinan, Kiray, Dianne Medina, Wilburt Ross, Joseph Marco.”

Pangarap ni Rosmar na mas lumaki pa ang kanyang negosyo para mas marami pa siyang matulungang tao, dahil habang lumalaki ang kanyang negosyo ay dumadami rin ang mga taong kanyang matutulungan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …