NAGTIPON-TIPON noong nakaraang linggo sa Maynila ang 33 lider ng Ang Bansa Babangon Movement (BBM) Inc. ng mga distrito ng NCR para bumuo ng programang tutulong sa mga mahihirap.
Ang mga lider ay kinatawan at tagapagtaguyod ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
Sa ginanap na pagpupulong na pinangunahan ni Jake Caday, pinag-usapan nila ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, ang bawat isa na dumalo ay nagbigay ng kani-kanilang saloobin ukol sa mga problema na ating kinakaharap at mga posibleng solusyon para rito.
Bago matapos ang kanilang pagpupulong ay napagkasunduan nila na magkaroon ng kongkretong programa na tutulong sa mahihirap na Filipino, lalo sa mga walang sariling tahanan at sa mga hirap makahanap ng trabaho.
Ang Bansa Babangon Movement(BBM) Inc. ay isang samahan na gustong hikayatin ang bawat indibidwal at mga organisasyon na susuporta at tutulong para magkaroon ng mga proyektong magpapaunlad sa ating bansa.