Monday , December 23 2024
Money Thief

Sa Sta. Rosa, Laguna
SUPERMARKET NILOOBAN, P.3-M NINAKAW SA ATM

NILOOBAN ng apat na lalaki ang isang commercial establishment sa lungsod ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng Laguna, at ninakawan ng hindi pa matukoy na halaga ang isang automated teller machine (ATM) nitong Linggo ng madaling araw, 25 Disyembre.

Ayon kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, nadiskubre ni Glenje Opeña, 51 anyos, store manager ng Puregold Commercial Complex, sa Brgy. Balibago, sa nabanggit na lungsod dakong 7:30 am kahapon.

Ani Opeña, napansin niyang wala sa orihinal na puwesto ang Metrobank ATM.

Ayon sa mga imbestigador, winasak ng mga kawatan ang ATM gamit ang isang matigas na bagay saka tinangay ang cash na nasa loob nito saka dumaan sa butas na kanilang ginawa sa pader ng establisimiyento.

Nagbigay na ang lahat ng security guard na naka-duty ng kanilang mga statement sa pulisya.

Ani Silvio, sinabi ng isang guwardiya na sira ang alarm system ng establisimiyento.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang natangay ng mga magnanakaw mula sa ATM.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …