Thursday , December 19 2024
Arrest Posas Handcuff

Pekeng Makita products bibili
TSEKWANG NEGOSYANTE HULI

ARESTADO ang isang Chinese national na sinabing sangkot sa pagbebenta ng mga counterfeit na Makita products sa bisa ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Erosita Miranda ang inarestong suspek na si Hong Xiao Bao, alyas Ben Ong, 34 anyos, owner/manager ng Credibility Logistics Co., Ltd., residente sa Masangkay St., Brgy. 214, Binondo, Maynila.

Sa report ni Col. Miranda kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., nakatanggap ang DSOU ng impormasyon na ang isang business entity nasa ilalim ng pangalan ni Hong Xiao Bao, alyas Ben Ong ay nagbebenta ng mga pekeng Makita products.

Nang positibo ang impormasyon makalipas ang ilang serye ng surveillance, verification, at test buy ay agad ipinatupad ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 90, Quezon City nitong 16 December 2022 laban sa Credibility Logistics Co., Ltd.,  na matatagpuan sa Simeon De Jesus St., San Rafael Village, Navotas City dakong 9:00 am.

Nakompiska ng mga operatiba ang 700 piraso ng impact drill, 300 piraso ng welding machine at 24 piraso ng impact hammer drill na may estimated market value P5,537,000 habang nadiskubre ang iba pang pinaniniwalaang counterfeit products na may estimated market value P200,000,000.

Sa isinagawang beripikasyon ng DSOU, nadiskubreng hindi nakarehistro sa mga opisina ng Business Permit and License Office (BPLO) ng Navotas at Security and Exchange Commission ang Credibility Co., LTD.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 168 (Unfair Competition) ng RA No. 8293 Intellectual Property Code of the Philippines. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …